Sunday, June 17, 2012

INDAY'S DIARY



Sa Panunulat ni Melody Starr











Welcome to Dubai



Police Officer: Are you Ms Inday Madlangawa?
Inday: Yis Ser that is me.. Why Ser?..
Police Officer: You must have to come with us.
Inday: But why Ser? Aysus ginoo naman.. Anu pu ba ginawa ku Ser?..What es wrong ser?
Police Officer: Nomore question come with me. Get in the car now..
Inday: (CRYING) But Ser..why Ser..=(




(WANG WANG WANG)
INDAY! INDAY! INDAAAAAAAAAAAAAAY!
INDAY: Ay palaka! Sunug! Pulis Buntis!
Bella: Ano ba Inday! Yung alarm clock mo naman ang ingay! Palitan mo nga ng tunog yan! Nakakatakot! Parang may sunog lagi! Bumangon ka na diyan at umaga na! Magigising na sila Maam!
INDAY: aaay… panaginip lang pala… churi Ati,, hindi aku nagising agaad..napagod ba talaga aku sa biyahi natin kagabi..ano gang uras na?..
Bella: Aba Maam Inday! Matuto ka na dapat! Alas singko na ng umaga! Aba wala ka na sa Pinas, dapat mag sumikap ka. Iba ang buhay dito sa Dubai.


(Biglang napaisip si Inday)
INDAY: Dubai..Dubai..Dubai.. Hay! Sa wakas asa Dubai na din aku..Sanay makilala ko na dito ang Prince Charmeng ku..
Bella: INDAY!!
INDAY: Ay palakang tumalon!
Bella: Ano ba! Pinapakingan mo ba ko?! Bumangon ka na diyan at mag tratrabaho na tayu! Sumunod ka na sa kusina!
INDAY: Upu Ati. Susunod na pu.
Ang pupungas pungas pang si Inday ay super excited sakanyang unang araw sa Dubai. Malayo sa kanyang mga pamilya sa pilipinas, malayo sa buhay niya noon. Para kay Inday lahat ay Bago, Bagong simula at Bagong buhay.


At habang pinagmamasadan ang kanyang silid, naalala ni Inday na makipag chikkahan muna sa kanyang Bestfriend, na kahit saan siya mag punta ay kasa-kasama niya, ang kaniyang DIARY.
Dali dali niyang kinuha ang kaniyang Diary sa kanyang maliit, kulay brown at halos masira na ang zipper na maleta, na mukhang minana pa sa nag retiro nyang auntie na dati ding OFW.At sa sobrang saya, habang dala-dala ang kanyang Diary, nagtatalon sa tuwa si Inday at nung mapaupo, ipinatong ang kanyang Diary sa kanyang kama at nag simulang sumulat.)


Dear Princess Inday,
Aysus Ginoo day! nakakatuwa na at andito na tayo ngayon sa Dobai.(Dubai) Dili ko malaman kung malungkot ba ako dahil wala na sila nanay at tatay sa tabi ku or huwat. Pero oki nalang din, mag padala nalang ako ng pira sakanila; atsaka kumpara sa papag ko noon sa prubinsya okie naman itong kama ko, maliit piru okie lng kasya naman ako, wag lang dapat aku malikot dahil pag naglikut aku, bukol abot ku.. Saktu lang ang laki ng kwartu ku, susyal ta kasi may AIRCON, eh sa prubinsya de paypay lang aku dun eh o diba pang mayaman ang kwartu ku.
Kasama ko sa kwartu si Ati Billa, siya ang kapit bahay naming nag rekumenda saakin dito sa trabahu ku. Sabi niya gusto daw niya ng pribasy (Privacy) eh kaya nilagyan naming ng kurtina sa gitna ng aming kawrto dun siya sa malapit sa pinto, ako naman dito sa malapit sa pinto ng aming banyu, umpf! Mabahu piro okie nalang kasi maka-rating aku agad sa c r kung gusto ko pumunta.


Mayron din kaming aparador sa may paanan namin, dalawang malaki, tig-isa kami ni Ati, ang tagal ko na to pangarap, eh kasi sa prubinsya sa kartun lang nakalagay ang mga baru ku eh.
Ay sus ginoo Prinses Diary! Kahapon sa erport nung pag stop ober namin sa erport sa Hungkung (Hongkong) mayrong lalaki
na super gwapu! Matangkad, balbas sarado parang ang bango- bango niya, kaso ang daming kasamang lalaki din na naka-itim, ay ewan ku ba, baka siguro Terorista yun oh de ko na alam. Piro kay gwapu princesa ku mmm …


Pumasok din kami agad sa Eroplanu na dati ay tinitingala ko lang sa kalangitan habang naglalaba sa ilog, kaya super saya ku nung naka upu na ko. Nagulat ako nung may lumapit na babai saakin, ni tanong kasi aku kung beef or chicken, di sumagot ako, PABO puh maam, tapos nagulat siya at nanlaki ang mata nya.. sabi WHAT?! Tpos ang bilis ng salita nya, di ko naintindihan kasi inglis day, buti si Ati Billa na nag sagot para saakin, sbi nya BEEP (Beef) tpos hinapagaan ako ng BEEF STEAK at tpos kay Ati Billa Chiken Curry, akala ko kasi tinatanong niya kung anu ang alaga ko sa probinsya Beep or Chiken. eh Hindi pala yun.. haha -=)



Natulog lang ako day sa eroplano, nahihilo kasi ako at pag mulat ng mata ko, lumapit uli yung Magandang babai tapos nag smile siya, tapos sabi eh WELCOME TO DUBAI.



Ang laki nung Airport Day! Ibang-iba sa pilipinas.


Paglabas namin sa airport habang inaantay ang kochi na susundo saamin, nakita ko nanaman yung lalaki na gwapu sumakay sa mahabang kochi, parang tanga ang haba-haba ng sasakyan, pero lahat ng kasama niyang lalaki sa ibang kochi sumakay. Ay sus ginoo!
Dumating na din an gaming kuchi, kulay black makintab, pang mayaman, piru maiksi lang eh. Ang ganda ganda sa Dubai, kahit mainit ayus lang, kaya sabi ko sa sarili ko, ito na ang aking pangalawang bansa, pangalawang bahay.
O siya Pincess Inday hangang ditto nalang muna tawag na ako ni Ati Billa. Bye.



(Pagkatapos mag sulat dali-dali ng tumayo at naligo si Inday dahil sa unang pag kakataon ay makakapag suot na siya ng matatawag na UNIFORM. Pagkatapos maligo, suot na ang kanyang uniform sa unag pagkakataon, humarap siya sa isang salamin.
Si inday ay 5’8″ sa height, may kantangkaran kumpara sa ordinaryong pinay, Siya ay may mahabang buhok na ngayun ay naka pusod at may kulay putting parang koronona sa kanyang ulo, morena ang kulay niya na bagay naman sa kulay dark blue niyang damit, maganda ang hugis ng mukha at hubog ng katawan, katamtaman ang laki ng mata, maganda ang legs na bumagay sa kanyang maikising palda, maputi ang ngipin na talaga namang nakakabighani kapag ngumiti at may makapal at mapula-pulang mga labi na sadyang nanaisin halikan ng kahit sinong lalaki. Taglay niya ang isang tunay na ganda ng isang Pinay.

Ngayon ay handa ng lumabas ng pinto si Inday at harapin ang unang araw niya sa trabaho, handa ng maki-sabay sa pag-ikot ng kanyang bagong mundo.
Magtagumpay kaya si Inday?.. Ano kaya ang nag hihintay sa kanya sa labas ng pinto ng kawarto niya. Sino-sino kaya ang makakasama ni Inday sa pakiki- baka niya sa mundong pinasok niya
Abangan….


Related story

Blog ni Inday



No comments:

Post a Comment